Biyernes, Setyembre 2, 2011

ang aking buhay

  minsan akoy naging  bata rin..madaming naganap sa buhay ko noong bata pa ako...walaong taon nako nang magsimula sa aking pag-aaral...subalit maaga akong naulila sa aking ama  may isang pang yayaring naganap nung  akoy 8 o 7 taong gulang palang..ang aking ama  ay binarilmismo sa harapan ng bahay namin isang pangyayaring hindi ko malimitan sa pagkat nakita ko ang aking ama na nakahandusay sa harapan ng aming bahay naliligo sa sariling nyang dugo habang yakap sya ng aking ina..wala kong maisip na dam-damin non iyak lang kami ng iyak ng mga kapatid ko lima kaming naulila nya pangatlo ako sa aming magkakapatid...ayon sa aking narinig dahilan ng kung bakit sya pinatay ay dahil sa pulitika may iba naman sabi ay dahil isang sundalo ang aking ama..ang pamilya din namin ay mahilig sa pulitika nakakaangat kami dati sa iba sa pagkat ang loloko ay kasalukuyang nasa pulitika ng mga panahon iyon panahon na halos lahat ng kamag anak namin ay nakakapasok sa matataas na posisyon...subalit kay bilis ng panahon ..sa pagkamatay ng aking ama ang tanging gumabay samin ay ang aming ina at ang  aming lolo na aman ng aking tatay...ang lolo namin ang nagpapaaral sa aming magkakapatid dahilan kashe walang trabaho ang aking ina..marami pang nagdaan sa aking buhay naging masa limuot at madilim ang aming naging buhay may mga araw pa nga noon na hinid kami halos kumakain noon kundi pa minsan akoy mangupit saaking lola wala kaming makain para kaming mga batang gala sa lansangan naiinggit kami sa mga pinsan namin na anak ng mga kapatid ng aming ama dahil sila ay buo at maayos ang nagiging takbo ng buhay nila kami kinakailangan panamin sila'y paglingkuran upang makakain lamang..nang mamatay din angaming lolo lalong naging magulo ang buhay naming mag kakapatid ang aming ina  ay laging umuuwi sa probinsya kasama ng dalawa kong kapatid kaming tatlo panganay ang laging naiiwan sa bahay pumapasok kami sa eskuwelahan ng walang kain at baon sa tulong lamang ng mga barkada at kaibigan kami ay nakakaraos..naging maaga din ang pag aasawa ng aking ate noon sumama sya sa lalaking inaakalang nyang mag dadala sa kanya ng maayos na buhay naging magulo na ang lahat..hanggang sa kailangan nang hatiin ang lahat ng ari-arian ng aming yumaong lolo sa inaakala ng aming ina na porke panganay nga ang aming ama ay bibigyan kami ng mayos na lugar sa lupang aming mapaparte sa lolo namin subalit sa kasakiman at may galit din ang lla q sa aming ina nilagay kami sa isang bakanteng lote niwalang anumang bahay nanakatayo nais ng lola naming maging mahirap at katawa tawa kami noon sa iba para kaming inabandonang mga hayup noon iyon siguro ang naramdaman ng aking ina kaya galit-nagalit ito tanging hiniling nalang sana ng aking ina na kahit maliit na pate  kung san nakatirik ang aming bahay ay iyon nalamang ang ibigay subalit hindi padin nakinig ang aming lola noon dahilan upang tumigil ako sa aking pag aaral at umuwi kaming lahat sa probinsya at ibenta amg lupang aming minana nasira ng tuluyan ang buhay ko nawalan ako ng ganang mag-aral non bumarkada lamang ako ng bu,arkada saprobinsya sapagkat wala nama maiibigay ang aming ina sa mga kailangan namin sa paaralan kelangan panamin magkayas ng walis sa nyogan o mag hanap ng nyog upang magkabaon nahihiya akong sa gulang kong 16 kelangan kong pasukin ang niyugan mabuhay lamang hinid ko kinalakihan ang mga ganong gawain dahil sa lunsod kami lumaki naiiyak ako sa buhay na aming pinag daanan noon galit ako sa mga lola ko noon dahil sa kasakiman nila naging magulo ang aming buhay dapat ay inunawa nila kami sapagkat wala kaming ama noon wala kong maiisp noon kundi ang magalit saaking sarili,sa pamilya ng akaing ama,minsa sa aking ama kung bakit nya kami iniwan ng maaga kung di nya kami siguro iniwan hindi ganon angmagiging buhay namin magkakapatid,hind masisira ang kinabukasan namin ang 2 kong kapatid na bunso noon ay hindi nadin nakatapos ng pag-aaral ..